Unang Paglalakbay








Ayon kay Seneca, ang paglalakbay at pagbabago ng kapaligiran ay nagbibigay ng bagong sigla sa isip. Ang pag lalakbay para sa akin ay matatawag kung gantimpala matapos ang mga nakakapagod at abalang mga araw. Sa pamamagitan ng paglalakbay ay nagkakaroon ako ng motibasiyon na mas pagbutihiin pa ang aking ginagawa para kinabukasan upang marating ang mga lugar na gusto kong lakbayin sa hinaharap. Mga matatayog na bundok na sumisimbolo ng pagabot ng bawat pangarap kahit gaano man ito kataas, Mga kalsadang binabaybay na sumisimbolo sa mga daan patungo sa hinaharap at mga alon na sumisimbolo ng mga pagsubok na ating kinakaharap na atin namang matapang na hinaharap at di nagpapatinag. 


Ang paglalakbay sa mga lugar na tulad ng Baguio na sobrang taas ay nakapagbibigay ng sa akin ng kapayapaan at kagalakan. Bukod sa baguio ang unang destinasyon na aking napuntahan na labas ng aming probinsiya, ito rin ang pangarap kung destinasyon na di ko kailanman pagsasawaan. Nagsimula ang lahat nang umuwi ang aming mga kamaganak mula sa australia at nagkayayaan na magtungo sa Baguio na noo'y sikat dahil sa palabas na "FOREVERMORE" ng lizquen, Sobrang saya kung nung mga panahong iyon dahil higit sa makakapunta ako sa ibang lugar ay iniidolo ko rin ang Lizquen. Umalis kami patungong baguio ng alas tres ng madaling araw at nakarating kami ng alas siyete ng umaga. Una naming hinintuan ang "Lion's Head" at nag picture sa estatwang iyon matapos roon ay muli kaming huminto sa "Kennon Road ViewPoint" na kung saan ay makikita mo ang view mula sa baba na tanaw ang lion's head, sa view point na ito ay puno ng samot-sareng halaman at mga historical na palatandaan. Matapos namin kumuha ng litrato sa viewpoint ay nag tungo kami sa "Horse Back Riding sa Camp John Hay" kung saan ay nakita namin ang iba't ibang kulay at laki ng kabayo, dito na rin kami nag pumarada at nag agahan, matapos ang kumain ay nag lakad lakad kami sa paligid nito. Ang sumunod naming Pinuntahan ay ang "The mansion" at tawid nitong "Wright Park" na mas pinagtambayan namin dahil bawal pumasok sa loob ng the mansion. Sa Wright park ay puno ng iba't ibang halaman, may mahabang parang lake sa walk way at sa dulo pag akyat mo sa hagdaan ay may natagpuan kaming mga nagbebenta ng keychain at naalala ko ay di ko nakalimutang bilhan ang mga Practice Teachers namin noong highschool tumagal kami ng halos isang oras sa pagtambay roon at paglilibot libot. Matapos namin mag libot ay agad namang nag aya ang aming tito at tita patungong Mines View park, nang nakarating kami roon ay agad kaming nagpunta sa malapit na 7/11 upang bumili ng pang himagas at matapos roon at dumiretso kami sa mga bilihan ng pasalubong at mga souviner sa gawing kanan na bahagi ng parke. Matapos naming bumili roon ay agad naman kaming nagtungo sa mga kabayo na makukulay upang mag pa litrato, matapos roon ay nag renta kami ng telescope upang tanawin ang mga bahay sa ibaba ng minesview. Kung iyong titignan ang mga labahayan sa ibaba ay di mo mapapansin ang mga kalsada at mukha lamang itong nakatambak sa ibaba ngunit kung ito ay iyong ginamitan ng telescope ay matatanaw mo ang mga sasakyan, kalsada at tao mula sa baba. Ang Huli naming destinasyon na pinuntahan ay ang Burnham Park na maraming aktibidad na maari mong gawin, una na riyan ang mag banka sa burnham lake na dama mo ang lamig ng hangin at pati na rin ang lamig ng tubig sa park na ito. ikalawa maari ka ring mag renta ng go cart at bisiklita dito na amin namang sinubokan, ang napili ko ay bisiklita na aking na gustohan sa sobrang na gustohan ko ay di ko namalayan na wala na pala mga kasama ko, dahil di ako pamilyar sa lugar ay nag bisiklita na lamang ako hanggang sa balikan nila ako na gumana naman at na enganyo pa ako. Naiwan ang mga maliliit naming kasama at kami kasama ang aking mga pinsan na mas matanda sa akin ay nag tungo sa SM upang tumambay sa itaas at kumuha ng litrato roon. Matapos naming mag libot ay bumyahe na rin kami pauwi ng probinsya.


Sa huli, Sa kabila ng pagod ay naroon ang saya, saya na muli kung naka-bonding ang aking mga pinsan at saya na nakarating ako sa isang destinasyon na sobrang ganda na sa telebisyon ko lang nakikita noon. Ang destinasyon na ito ang nagmulat sa akin na maganda pala mag lakbay, dahil sa kaganapan na ito ay napagtanto ko na kung akin pang pagiigihan sa kasalukuyan ay marami pa akong mararating na destinasyon na tulad nito. Marami pa akong gustong puntahan sa Cordillera ang pinaka pangarap ko na puntahan ay mt. pulag na kung saan ay humahalik ang langit sa lupa. Ang lugar na ang nagiging motibasyon ko na pag igihan pa lalo sa aking mga ginagawa. Sabi nga ni JRR Tolkien "WE TRAVEL NOT TO ESCAPE LIFE, BUT FOR LIFE NOT TO ESCAPE US"  na nagpapaintindi sa atin na ang paglalakbay ay nagbibigay sa atin ng motibasyon upang di tayo sumuko gaano man kahirap ang pinagdadaan natin sa buhay.

Comments