Unang Paglalakbay

Ayon kay Seneca , ang paglalakbay at pagbabago ng kapaligiran ay nagbibigay ng bagong sigla sa isip. Ang pag lalakbay para sa akin ay matatawag kung gantimpala matapos ang mga nakakapagod at abalang mga araw. Sa pamamagitan ng paglalakbay ay nagkakaroon ako ng motibasiyon na mas pagbutihiin pa ang aking ginagawa para kinabukasan upang marating ang mga lugar na gusto kong lakbayin sa hinaharap. Mga matatayog na bundok na sumisimbolo ng pagabot ng bawat pangarap kahit gaano man ito kataas, Mga kalsadang binabaybay na sumisimbolo sa mga daan patungo sa hinaharap at mga alon na sumisimbolo ng mga pagsubok na ating kinakaharap na atin namang matapang na hinaharap at di nagpapatinag. Ang paglalakbay sa mga lugar na tulad ng Baguio na sobrang taas ay nakapagbibigay ng sa akin ng kapayapaan at kagalakan. Bukod sa baguio ang unang destinasyon na aking napuntahan na labas ng aming probinsiya, ito rin ang pangarap kung destinasyon na di ko kailanman pagsasawaan. Nagsimula ang lahat nang...